Help spread the word!

Kitsap Voice

Dirty Kitchens: A Filipino's Multi-Purpose Paradise

Bookmark and Share

Posted January 06, 2019 | Ewemiz Insigne

Dirty Kitchens: A Filipino’s Multi-Purpose Paradise

by Ewemiz C. Insigne

Imagine narinig mo sa kaibigan mo o colleague na nagsabing,: “I love dirty kitchens! I even have one!”

Bago mo silang lecturan ng hygiene at cleaning routines, tanungin mo muna sila kung sila ba ay Filipino, (o Kuwaiti, Buhraini, o West-Asian) – because if they say yes, chances are ang “dirty kitchen” nila ay di literal na dirty kitchen. Instead, ito ay maliit at maraming kalat na kusina. Nakatayo ito sa labas ng main house at isang extension na maliit na bahay ng mga Filipino. Dito ginaganap ang karamihan na  gawain sa kusina, tulad ng mass cooking (kung may fiesta sa barangay), broiling some meat or barbecue, paghugas ng malalaking pots and pans – kahit sa paglalaba! It’s the be-all-end-all of multi-purpose rooms.

Ang dirty kitchen ay common sa Pilipinas. You can pretty much argue that a Filipino household ay hindi kumpleto kung wala ito. Although makikita ito mostly sa mga provinces, it is an essential for your typical city-dwelling families din. A typical Filipina mom ay makikita mo palagi sa dirty kitchen, about 80% of her time is spent sa pagluluto, paglilinis at pagluluto ulit.  Itinatago ni tatay ang kanyang mga tools dito, kasama ng mga balikbayan boxes kung saan ang laman ay mga old toys ng cousin mo from when she was three. Almost always, you’ll find Filipinos na ma associate nila ang kanilang memories sa kanilang dirty kitchen: whether nagluluto ng chicken adobo, o nagputol ng buhok.

kirsten-dianne-delmo1.jpg        ewemiz-insigne1.jpg

Photos of dirty kitchens; often comprised with a sink and a lot of clutter.

Left photo credit: Kirsten Dianne Delmo; right photo credit: Ewemiz Insigne.

COOKING IN THE DIRTY KITCHEN

Mainit sa Pilipinas, and it’s not exactly pleasant to have smoke everywhere sa loob ng bahay mo when it’s as humid and warm as it is. Ito ang isang rason kung bakit ang Filipinos prefer na magluto sa dirty kitchen kung maraming smoke, o nag-iihaw. Karamihan ng mga bahay (lalo na yung mga di naman masyado mayaman) are not ventilated properly, and more often than not, ang bahay ay may, kung meron man, isa o dalawang air conditioners lang, at ang ibang rooms ay may malaking electric fan. Dahil dito, and vapor at smoke na nagmumula sa pagluluto can stick around longer than it should. Para maka-avoid ng problemang ito, Filipinos just cook sa labas, where the fumes don’t have to stick around anywhere.

CLEANING IN THE DIRTY KITCHEN

Nandiyan rin yung notion sa paglilinis. While ang dirty kitchen should be relatively malinis, it’s normally a lot messier in comparison with the main kitchen, kahit magkaroon ng stains sa sink o mess sa cabinet ay okay lang. Walang pressure to keep it spotless, since nasa likod naman ito ng bahay, parang “backstage,” often accessed by those na magluluto o maghuhugas ng pinggan. Clutter is often just piled up in organized stacks:  nandiyan yung mga balikbayan boxes na may laman ng toys from years’ past; mga shoeracks of old shoes; at mga lumang libro. Dito tinatago ng mga Pilipino ang mga bagay na may sentimental value sa kanila, o mga patapon.

LAUNDRY IN THE DIRTY KTICHEN

Isa pang problema about Filipino households ay ang  maliliit na bahay at properties. Walang malawak na backyard or front yard para ma-isampay ang nilabhan na damit; heck, you’ll probably find some households hang their laundries sa kanilang mga bintana, minsan sa loob ng bahay. Walang space para sa laundry room; a lot of houses and apartments have to make do with the space they have, kaya makikita mo ang washing machine o a bunch of labadors o palanggana sa loob ng dirty kitchen. Makikita mo rin ang laundtry wires para ma dry ang mga towels, baby clothes, polos, etc.

That being said, ang dirty kitchen ay essential to a Filipino household, and a nice addition if you really want to make do with the small space you have. Marami kayong magagawa sa extension place ninyo, and really, it’s up to you and your family kung ano pa ang mga ito. Maaring gawin ang paglalaro with your anak, paghuhugas ng pinggan kasama si ‘inay o ‘tay, o mag-barbecue kasama ang mga kaibigan at kapamilya; beautiful memories can be made in the humblest of places when you’re with beautiful people.

# # #







For what’s on tap in Kitsap, please visit our Facebook and Instagram pages!
The website will be down through March for the redesign. Thanks and have a nice day!